Chapter 47 3rd Person's POV "Thanks god nagkabati din kayo. Halos hindi ako makatulog sa pag-aalalang dahil sa akin maghiwalay kayong dalawa," ani ni Gemma. Pagbalik nila sa city. Dinalaw nila si Gemma sa unit nito kasama ang sina Gaiden. "Masyado lang ako naging sensitive isama mo pa iyong idea na sa unang pagkakataon naglihim sa akin si Kieran. Na-frustrate ako masyado," ani ni Gallema habang hawak ang kamay ng asawa. "Hindi ako makapaniwala talagang nasaktan mo si Kieran," ani ni Gemma na napasapo sa noo. Ngayon pumasok sa isip iyon ni Gallema napa-pokerface si Gallema. "Alam mo ba sa ginawa kong iyon tinago ng mga anak ko si Kieran," ani ni Gallema. Nagulat si Gemma at napatingin kay Gallema. "Ano?" ani ni Gemma. Tumawa si Gala at inakbayan si Kieran. "Pinarusahan nina Lo

