Chapter 49 3rd Person's POV Inatake ng maraming paru-paro si Greg kaya agad nakatakas si Gallema. Hindi niya kaya si Greg lalo na at may kapangyarihan ito. Napatigil si Gallema matapos may mga kawal na humarang at pumalibot sa kaniya. "Prinsesa!" sigaw ni Jane habang hawak ng mga kawal ng palasyo at ng mga Hidalgo. "Anong ibig nitong sabihin?" malamig na sambit ni Gallema habang hawak ng mahigpit ang espada. "Arghh!" sigaw ng mga kawal matapos sila ibalibag nina Jane at kumawala sa mga ito. Tinutukan din nila ng espada ang mga kawal. Habang nasa bundok sila tinuruan din sila nina Bernard ng self defence dahil sa prinsesa. Ayaw nila mga maging pabigat dito kaya kailangan nila matuto. Gusto nila makita na dumating ang araw na makikita nilang uupo sa trono ang prinsesa at manumpa

