Chapter 43 3rd Person's POV Paglabas ng dalawa sa fitting room. Napatingin sa kanila ang lahat. Napa-palakpak si Kisseo at nagsalita ng pretty habang nakatingin sa batang babae na buhat ng binata. Puro hiwa ang braso ng binata— may kaputian ito kaya kitang-kita ni Karen ang maraming peklat sa katawan ng binata. Hindi komportable ang lalaki sa tingin nina Kieran sa mga braso niya at leeg— inabot ni Loki ang isang itim na coat. "Suutin mo iyan," ani ni Loki. Kinuha iyon ng binata bago binaba ang kapatid sa sofa na may suot na pink na dress. Inayusan din sila ng mga staff na request na din nina Draken. Sinuot ng binata ang coat. Ngayon lang siya nakasuot ng ganoong kakomportable na damit. "Hmm? Parang may kulang," ani ni Kamira. Tiningnan ang lalaki habang hawak ang baba at napating

