Chapter 23 3rd Person's POV Nakabili sina Bernard ng vest ngunit hindi iyon nagustuhan ni Gallema matapos malaman kung bakit sumama si Loki. "Loki, hindi mo kailangan magsuot ng ganito para sa akin," ani ni Gallema matapos iabot iyon kay Bernard. "Si Loki gusto maging safe si mom," bulong ni Loki. Umupo si Gallema sa kama— tumingin si Greg. "Prinsesa, hindi na tayo pwede bumili ng karwahe at wala na din tayo mahahanap na mga kabayo ngayon. Magiging malaking tulong si Loki at kung emergency kailangan niyo tumakbo ni Loki— may vest— hindi mahihirapan si Loki hindi ka din mapapahamak habang nasa likod ng leopard," sabat ni Greg. "Hindi iyan komportable alam ko at mahihirapan si Loki mag-transform," sagot ni Gallema. Ngumiti si Jane. "Kami na bahala, Prinsesa kung iyan lang ang ina