Chapter 36 3rd Person's POV Makalipas pa ang isang linggo. Pinatawag si Gallema at Jane ng head maid. Sinasabing kailangan ng karagdagan na tagapaglingkod sa kusina ng palasyo kung saan nagi-stay ang prinsesa Gallema. Agad umapila si Frances at sinabing siya na. "Frances, ako na. Marami ka pang gagawin sa kusina diba?" react ni Gallema. Huminto ito sa idea na baka nakagawa na ng plano si Gallema ayaw nito maging sagabal. Nagtataka silang tiningnan ng head maid. Alanganin na tumawa si Frances at napakamot sa pisngi. "Curious kasi ako sa mukha ng prinsesa. Maraming kumakalat na pang-out of the world ang ganda ng prinsesa," ani ni Frances. Napa-pokerface ang head maid. "Nandito tayo ngayon sa ethereal para magtrabaho. Seryosohin at ayusin niyo ang trabaho niyo," masungit na sambit