Chapter 38 3rd Person's POV "Mahal na prinsesa! Inaatake ang palasyo!" sigaw ni Bernard. Napatingin si Gallema matapos marinig iyon. "Anong inaatake? Paanong—" Napatigil si Gallema matapos maalalang pinaalis niya ang mga kapitan. "Nakita ko ang bandila ng saiseven. Mukhang nalaman nila ang nangyari sa emperor." Biglang pumasok sa isip ni Gallema si Gemma. Naiyukom ng prinsesa ang kamao at nilingon si Greg. "Hanapin niyo sina brother Gaiden. Siguradong nasa paligid sila ng palasyo," ani ni Gallema. Tumingin si Enrico. "Ngunit prinsesa— hindi ba nakatanggap ng sulat ang mga prinsipe at pinababalik sila sa saiseven," ani ni Enrico. Last week narinig nilang iniinporma ng magkakapatid ang prinsesa tungkol sa sulat. "Hindi nila ako iiwan dito. Alam ko," sagot ni Gallema. Yumuko ang