Chapter 20 3rd Person's POV Naiwan sa inn ang mga tagapaglingkod, si Greg, Arthur at ang prinsesa. Umalis naman sina Bernard para humanap ng mga bagay na magagamit nila sa gubat at kabayo. Habang nasa inn kinuha ni prinsesa ang libro niya at panulat. Natuto siyang gumawa ng diary at sinumulan niya iyon 'nong tumuntong siya ng 8 years old. Tumingin si Gallema sa ilabas ng bintana at nakakita ng mga ibon na lumilipad. Hindi na naman maiwasan mag-alala matapos makita ang lungkot sa mata ng prinsesa. "Mahal na prinsesa— kung may problema ka pwede mo sa amin sabihin. Makikinig kami," ani ni Jane na nakatayo sa gilid ng kama ng prinsesa. Napatingin si Gallema at bahagyang yumuko. "Mukha kang malungkot prinsesa— nag-aalala kami," ani ni Elise na isa din sa mga tagapaglingkod. "Naiinis