SPECIAL CHAPTER 01: Valerie’s POV: PAGKATAPOS kong ipanganak ang panganay namin ni Gideon na si Giovanni, wala na akong ibang ginawa kundi ang magdrama. Hindi ko alam kung bakit sobrang dramatic ko, sobrang sama ng loob ko sa lahat ng bagay na hindi ko magugustuhan. Hindi ko naman iyon ginusto, lalo at madalas na na-g-guilty ako dahil si Gideon ang napagdidiskatahan ko. “It’s postpartum, Ma’am.” Iyon ang sagot sa akin ng Doctora nang tuluyan na nga akong nagpumilit na kumonsulta kahit pa ayaw ni Gideon. Humigpit ang hawak ni Gideon sa kamay ko nang marinig ang sagot ni Doctora. “It’s like baby blues. Most women feel empty and sadness after giving birth. Normal lang po ito, kailangan lang na intindihin ka ni hubby mo.” Tiningnan ni Doctora si Gideon saka ngumiti. “Huwag mo munang stres