KABANATA 48: MALAKAS ang kulog na may kasama pang pagkidlat kaya nanatili akong nakaupo habang nakayuko at tinatakpan ang magkabila kong tenga. Malaki na nga ang problema ko sa mga nakaraang araw pero sinabayan pa talaga nito. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking katawan habang patuloy na bumabayo ang malakas na pagkulog at kidlat. Ang totoo, gusto ko naman talagang gumaling ako sa takot kong ito sa kulog at kidlat dahil hindi talaga madali. Ang hirap, lalo na sa mga pagkakataong nasa labas ako. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo para lang makapagtago… ang hirap, at mas lalo pang humirap ngayong hindi maganda ang pakiramdam ko. Habang nakayuko at naghihintay na humupa ang kulog at kidlat, hindi ko inaasahan ang boses ni Gideon… “Valerie? Val!” Nang mag-angat ako ng tingin ay n