Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko at ikinulong ang iilang hibla nu'n sa tenga ko. "Oo." "Wow!" he muttered with amusement. "Hindi ako makapaniwala, sa cute mong 'yan, wala talaga?" Umiling ako. "Wala talaga, Chun. Maniwala ka sa akin." "Okay, okay." he nodded. "I believe in you." Hindi ko maiwasang mapangiti talaga. Kinikilig ako kay Chun, ano ba 'to oh! "Pero 'wag mong sabihing kahit isang guy man lang, walang sumubok o nagparamdam man lang ng motibo sayo?" "Mero'n din naman no'ng high school pero lagi kong tinatanggihan, bukod kasi sa ang bata ko pa no'ng mga panahong 'yon eh iniisip ko ring baka maka-distract lang sa pag-aaral ko. Hindi pa naman ako pwedeng ma-distract sa pag-aaral kasi inaasahan ako ng pamilya ko." Tumango siya habang may banayad na ngiti sa labi. "Ang swert