(Sia) ONE year and still counting... "Hala... Ang sosyal at mukhang ang mahal naman dito,Niall!" namamangha kong sinabi nang pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. First anniversary kasi namin ngayon kaya dinala niya 'ko dito para i-date. Pinauna niya ako't nakasunod siya sa likuran ko. Hindi ko talaga maiwasang magandahan sa interior designs ng resto. Para bang nasa America kami sa ganda ng ambiance dito. "Uy, baka naman ang mahal-mahal dito ha!" sabi ko pa. Hindi siya sumagot, bagkus ay pinaghila lang niya ako ng upuan sa table. Nginitian ko siya at naupo doon. "Salamat." Naupo na rin siya sa katapat kong seat. "Pwede nga'ng sa fast food nalang tayo kumain para hindi ka masyadong magastusan." patuloy ko. He smirked. "Hindi kita dadalhin sa kung saang pipityuging fast food

