"SIA!" Napalingon ako sa tumawag sa akin sa likuran ko. Nakita kong ang ganda ng ngiti ni Chun habang naglalakad palapit sa akin. Napangiti rin ako. "Chun! Hi!" sabi ko at magiliw na kumaway. "Tapos na klase mo?" tanong niya nang tuluyang makalapit. Tumango ako. "Oo. Ikaw?" "Tapos na din." Nagsabay kami sa paglalakad hanggang sa paglabas ng gate ng St. Porter. "Uuwi ka na?" Tumango ako. "Oo eh. Wala naman na akong gagawin dito sa school kaya oo, uuwi na ako. Ikaw? Uuwi ka na din?" "Hindi pa sana eh kasi gusto ko muna sanang yayaing lumabas ang nililigawan ko." magiliw ang ngiting sagot niya habang malayo ang tingin. "Kahit sandali lang..." Napatingin ako sa kanya. Ang nililigawan niya? Ibig bang sabihin niyayaya niya akong lumabas ngayon? Tiningnan niya ako habang nangungumbinsi