Masakit na tumango-tango siya. "Fine. Sige, you want me to leave? I'll leave! Pero 'wag kang umasang sa pagbalik ko dito sa Pinas, ikaw pa din Niall. Dahil sa pag-alis ko, maraming bagay ang pwedeng mangyari. Maaring maka-move on ako sayo, makalimutan na kita at higit sa lahat, makakilala ako't magkagusto sa iba." 'yon lang at umalis siya. Bumagsak ang balikat ko sa huling mga sinabi niya... Aalis siya at sa pagbalik, maaaring hindi na ako, maaaring naka-move on na siya sa akin at may iba na... Damn it! It feels like she slapped me so hard on my face! Masakit ang tama. "Niall anak, ayos ka lang?" tanong ni daddy sa akin nang sumunod sa teresa ng bahay. Gabi na't wala akong ibang magawa kundi ang tumunganga sa madilim na kaulapan habang paulit-ulit na inaalala ang mga sinabi ni Sia kanin

