"NIALL, anong bang nangyari at bigla-bigla ko nalang mababalitaang nasaksak si Sia?!" kaagad na bungad ng magaling kong ama nang makarating sa hospital. Nandito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan kasalukuyang ginagamot si Sia. Kasama ko sina Chun, Pierce, at Enrique. Hindi ako sumagot kay daddy. Tahimik na nakaupo lang ako't nakatungkod ang mga siko sa tuhod saka nakatiim na nakatikom ang mga palad habang tahimik na nagdarasal na sana'y ligtas si Sia. From the very first place, she shouldn't have done that! Hindi dapat niya sinalo ang kutsilyong sa akin naman dapat talaga ang tama! Hindi nalang dapat niya ako niligtas! Ano bang pumasok sa isip niya't ginawa niya 'yon?! If anything bad happens to her because of this, I swear... I really swear, hinding-hindi ko mapapatawad