(Sia) BUO na ang desisyon ko. Hindi ako magmo-model. I don't have the guts and the courage. Bahala na. Sasabihin ko kay Erin ito at alam kong maiintindihan naman niya ako. Tutulungan ko pa rin naman siya eh, o kung papayagan nila ako willing din akong tumulong sa kanila sa paghahanap ng model. Sa isang banda iniisip ko naman si Niall, baka kasi kung anong magawa niya kapag nalamang tuluyan akong hindi pumayag. Nakakakaba pa naman 'yong kagabi, sobra. Pero bahala na, saka ko nalang siya iisipin. Ang importante sa ngayon masabi ko kay Erin at makapagpaliwanag na hindi talaga pwedeng maging model nito.Ii-explain ko nalang din siguro kay Niall later kapag natapos na kay Erin. I just hope that after Erin will understand, Niall will also do so. Naglalakad ako sa corridor papuntang classroom n

