Lumipas pa ang dalawang araw na hindi ko gaano nakakasama si Lambert. minsan nagigising na lang ako mag-kayakap na kami. Tulad ngayon nagising ako na nakayakap siya sa akin. parang ang dami niyang ginagawa ng ilang araw naiinitindihan ko naman kung ang trabaho sa manggahan idagdag pa ang tungkol kay Savannah. pero wala siya binabanggit sa akin kung ano na ang nangyari kay Savannah. dahil nangako siya na aalamin niya. Nakita ko na umilaw ang phone niya na nakapatong sa mesa sa bandang ulunan niya sa gilid ng kama. hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng interes na tignan ito. Dahan dahan ko na tinanggal ang braso niya na nakayakap sa akin. dahan dahan din umangat ang katawan ko para maabot ang phone niya na hindi siya magigising. Pagkakuha ko dito. umayos ako nang pagkakahiga at binuk