Habang lumalapit ang sasakyan ni Kuya Rafael sa malaking lupain ng Hacienda Casivue. Kasabay din nito ang pagbalik ng lahat ng magandang ala-ala na nangyari sa akin sa loob ng Hacienda habang kasama si lambert Casimiro. Kung paano kami unang nag-kakilala. Kung paano ko unang nakilala ang Isang Antipatiko na lambert Casimiro. Napangiti ako sa isipin na iyon. Pag-katapos din ng magandang ala-ala na iyon naalala ko din kung paano niya ako ipinaglaban kay Kuya Rafael para lang huwag ako mawala sa kanya. Pati ang pagbuwis ng buhay niya para sa akin. Naramdaman ko na may tumulo ng luha mula sa mata ko habang iniisip ko iyon. Agad ko din pinunasan ang mga luha ko. Unti-unti ko ng nakikita ang napakalaking okasyon na magaganap na kasal nila Kuya Raf. Pagkahinto ng Sasakyan ni Kuya. agad siy