**2 YEARS LATER** "Stella anak mag-iingat ka ha! nanduon naman ang kuya mo para sunduin ka" Sabi sa akin ni daddy. bago ako tuluyan na makasakay ng eroplano pabalik ng pilipinas. Nakilala ko na si daddy ng pauwiin ako dito ni Kuya Rafael dahil iyon din daw ang kagustuhan ni daddy. Dahil nabalitaan din niya ang nangyari sa akin. Hindi inilihim sa kanya ni don Felife. Kasama ko ang yaya ng dalawa kong anak. Oo dalawa ang anak ko. dahil kambal ang mga baby ko. Isang lalaki at Isang babae. Si Amir Casimiro at Amira Casimiro. Sa spain na din ako nanganak. labis ang kalungkutan ko dahil hindi ko man lang kasama ang lalaking mahal ko. habang lumalaki ang tiyan ko hanggang sa manganak ako. Pero kinaya ko dahil kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Hindi ako nag-tiwala sa kanya kahit na alam k