Nakahiga na kami ni lambert sa kama. Habang nakayakap siya sa akin. Ako naman nakatingin ako sa guwapo na mukha niya. hindi kasi ako makatulog dahil iniisip ko ang nalalapit na araw na sinabi ni anna. Nasa kabilang kuwarto lang din si Savanaah kasama si Kuya Rafael. hindi na pumayag si lambert na muli pa na lumayo dito si Savannah. Kaya pati si Kuya Rafael dito niya muna pinatira habang hindi pa natatapos ang bahay na pinapagawa ni kuya para sa kanila ni Savannah. "Lambert mahal na mahal kita" Kusang nabigkas ng labi ko. Habang nakatitig ako sa mukha niya. "Huwag mo ako bibitawan darling" Lalo ako napaiyak dahil sa narinig ko mula sa kanya. dahil alam ko na mahimbing ang pagka-katulog niya. Kahit sa panaginip niya. Ako pa din ang nasa isip niya at patuloy na binibigkas iyon! Habang