Palaka vs talong

1419 Words
Pagmulat ulit nang aking mata naramdaman ko na medyo masakit ang mga katawan ko. Naaalala ko ang nangyari kagabi. Napansin ko din na nadamitan na ako pero napansin ko din na wala ako suot na panloob. Hinanap ko ito nakita ko ito sa ibaba ng kama. Sobra yata talaga ako napagod dahil sumisilip na sa kurtina ng bintana ang tindi ng sikat ng araw. Pagtingin ko sa relo ko' ala una ng hapon. Wala na din si Lambert sa tabi ko. Sinubukan ko tumayo pero parang namanhid ang mga hita ko. Naisip ko na lang sa laki ba naman ng katawan ng tao na iyon manghihina talaga ang katawan ko. Nakita ko ang mga damit at short na pinamili niya. Nakalagay ulit iton sa mga paper bag at nakagilid sa ibaba ng kama. Napataas ulit ang kilay ko hindi ko iyan susuotin! Bulong ko sa sarili ko. Nagpunta ako ng banyo para maligo. wala nga pala akong damit pamalit. Dahil sinuot ko na iyon kagabi. May nakita ako sa Sofa na t-shirt na puti at boxer short, Naalala ko. nakita ko na naparami nga pala si lambert ng pagkuha ng susuotin niya bago kami lumabas ng kuwarto niya kagabi Kaya sigurado na malinis ito. kinuha ko ito sa sofa at tumuloy sa banyo para maligo na. Pagkatapos ko maligo dinala ko na din ang mga paper bag na may mga laman na t-shirt at short at nagtungo na ako sa ibaba. Nakita ko si Manang sa kusina na naghihiwa ng mga gulay sa lamesa. "Stella gusto mo naba kumain? "Kanina pa pabalik-balik si lambert tinatanong kung bumaba kana ba para kumain" "Ayaw ka naman niya pagising" Mahabang paliwanag ni Manang. "Mamaya po na konti Manang" Sagot ko sa kanya napansin din niya ang mga dalahin ko. "Anu ba ang mga iyan stella?" "Ahh mga basura po galing sa maleta ko" Sagot ko kay Manang. "ahh Manang meron po ba kayo dito na ginagamit kahit maliit na drum para mag-sunog ng mga basura?" Tanong ko sa kanya. "ahh oo nanduon sa labas sa ilalim ng puno" "Marami ba iyan iha'?" Tanong sa akin ni Manang. Ngumiti ako sa kanya "Opo eh" "Ayy teka kunukunin ko lang ang gallon na may laman na gas para hindi ka mahirapan na padingasin iyan" Napangiti ulit ako sa sinabi ni Manang. "Sige po Manang salamat" Sinamahan ako ni Manang sa labas kung saan hindi naman kalayuan sa labas ng bahay. Nakita ko ang drum sa ilalim ng malaking puno, Hindi gaano na kalakihan pero sunugan talaga siya ng mga basura. Nilagay ko lahat ng mga paper bag na may laman na mga damit at short na binili ni lambert na lagpas yata sa sampu. Si Manang na ang nag-buhos ng gas at nagsindi na dinm Pero huli na ng mapansin niya' na mga bagong damit ito at short dahil nakita niya ang isa na damit na may tag price pa "Aba iha' sobrang mahal nito ah" basura naba sa iyo ang mga iyan?" Kinuha ko ito sa kamay niyanat sinama sa mga unti-unti na asusunog na. Sasagutin ko sana si Manang sa sinabi niyan ng pareho kami napalingon sa boses na hindi kalayuan sa amin. "Manang ano po iyang mga nasusunog? Tanong niya sabay tingin sa drum na makikita pa ang ilang paper bag na kanyang binili na hindi pa halos nasunog lahat. Nanlaki ang mata niya na napatingin kay Manang. Nagulat siguro ang matanda sa klase ng tingin niya. "Ah e' iho' basura daw iyan sabi ni stella eh' Sabay tingin naman sa akin ni Lambert Pero ang mata niya na galit kanina kay Manang ay nag-laho dahil sa pag-katitig niya sa akin papunta sa buong katawan ko. Naalala ko suot ko pala ang t-shirt niya at ang boxer na short niya. Tinaasan ko siya ng kilay sabay talikod papasok na ng bahay. Tumungo ako sa kusina Naramdaman ko na nasa likod ko narin silang dalawa. "iho' kakain naba kayo ni stella?" "Opo Manang" Narinig ko na sagot niya. Pag- kaupo ko. naupo na rin siya sa bankuan na naka-harap sa akin. Ang hilig talaga nito pumwesto sa harapan ko' bulong ko. Pag-kalapag ng pagkain ni Manang bigla ako nakaramdam ng gutom. Hindi kasi ako nakakain kagabi at tinanghli naman ako nang gising kanina. Dahil sa kagagawan nitong bwisit na ito. Kumuha ako nang kanin at ganuon din siya pagkakita ko sa ulam kare kare ito. kumuha lang ako ng petsay at bagoong. Dahil iyon lang talaga ang kinakain ko sa ulam na ito Nag-uumpisa na ako kumain nang mapansin ko na napatigil si lambert sa pagkain at nakatingin sa pinggan ko. Nakita ko din na kinuha niya ang malaki na tasa na pinag-lalagyan ng ulam. Kinuha niya duon ang mga gulay. nakita ko na puro talong na lang ang natira duon kanina ng kumuha ako. Napatingin ako sa kanya ng nilagay niya sa pinggan ko ang mga gulay na puro talong. "Kumain ka ng kumain para hindi ka mabilis manghina!" Muli na naman napa-taas ang kilay ko. "Hindi ako kumakain ng talong!" Sagot ko sa kanya. Hindi na siya sumagot. May nakita ako sa lamesa na nakatakip di kalayuan sa harapan namin. Binuksan ko ito nakita ko nagma-mantika na adobo. Kaya kumuha ako, nasarapan ako sa pag-kakaluto Hindi ko makita ang mga parte ng manok. dahil parang nadurog kaya sobrang lambot na nito. Dinamihan ko na ang paglagay sa pinggan ko. isinabaw ko pa ang mantika sa kanin ko. Muling pumasok si manang galing sa likod ng kusina at may dala na Siya na buko juice. nilapag niya ito sa harapan namin parehas ni lambert. "Manang ang sarap po ng pagka-kaluto ninyo sa adobo" Sabi ko sa kanya. "ahh kumakain ka pala niyan iha'?" Sagot niya' sa akin na parang namangha pa siya. "Oo naman po manang pagkain natin mga pinoy ito diba?" Biglang pumasok si Anna kung saan galing si Manang kanina, Nakita ko na naman ang mga mata niyang mapanuri, Pero sa pag-kakataon na ito parang nanlaki pa ang mata sa suot ko. Bigla niyang inalis ang tingin sa akin. kinausap niya si Lambert na abala sa pagkain. "Señorito Lambert Pinatatanong po ni tatang sebastian kung maka-kapunta ka daw ba kahit saglit sa kaarwan niya?" Nakita ko na tumingin muna sa akin si lambert bago sinagot ang tanong ni anna. "Ok sige pakisabi may kasama ako" "Sige po señorito dadalhin ko na po ang pinaluto ninyo na adobo na palaka para sa kanya" Nagulat ako sa sagot ni anna kay lambert. Nabitin ang pag-pasok ng kutsara sa bibig ko, "Adobong palaka ito??" Nanlalaki ang mata na tanong ko sa kanya. Parang balewala sa kanya na tumango lang Siya. Naibuga ko ng malakas sa kanya ang nabitin na pag-lunok ko sana pagkain ko. Sabay tayo papunta sa lababo para magsuka. Narinig ko na bigla na tumumba ang bankuan na kinau-upuan ni Lambert sa bigla niya na pagtayo para lapitan ako. Hinimas niya agad ang likod ko. Habang pilit ko na isinusuka ko ang kinain ko sinisi ko siya. "Bakit hindi mo sinabi na palaka iyon!" "Hindi ka naman nag tanong eh" Sagot niya sa akin sa mahina na boses. Para mapag takpan parin ang katangahan ko sinisi ko pa din siya. "Kahit na dapat sinabi mo sa akin!!" "Kasalanan mo din naman e' mas pinili mo ang palaka kesa sa talong ko!" Pang iinis pa niya na Sagot sa akin. "Eh sa hindi ako kumakain ng talong e!" Bulyaw ko na sa kanya. "Mapipilitan ka din kumain nang talong tuturuan Kita!" Nakangisi niya na sagot pa din sa akin. Pero para sa akin hindi ko nain-tindihan kung ano ibig niya na sabihin. Basta hindi niya ako mapa-pakain ng talong. Napa-lingon ako sa likod namin ni lambert. nakalimutan ko nandito pala sila Manang at anna. Nagtaka ako sa itsura ni Manang nakanganga siyan na nakatingin sa amin dalawa ni lambert. Si Anna naman wala ako mabasa na reaksyon. basta nakatingin lang din siya sa amin ni lambert. Hinila na ako ni Lambert para maupo. sabay bigya sa akin ang buko juice. pero bago Siya maupo nag salita muna Siya. "Manang mapasukan ka nang langaw" "Ayy! ano ba iyon iho'?" Nauutal na sagot ni manang at sabay baling kay anna na tahimik parin. "Ay anna ire' dalhin muna ang adobo na talong ni Lambert!" ay este adobo na palaka!" jusko!!" "Mga batang ire na ito hay naku maiwan ko na nga kayo diyan" Sabay talikod ni manang papunta sa likod ng kusina, "Pupunta tayo mamaya kila tatang sebastian" Sabi sa akin ni Lambert..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD