Pinaupo ako ni Lambert sa isa na mahaba na bankuan na gawa sa kawayan.
Napansin ko din sa harapan ko sa ibabaw ng lamesa. Na iniinom na pala nila ang lambanog,
Pinakilala niya ako kay tatang sebastian at sa may bahay nito,
Tahimik lang ako nakikinig sa usapan at biruan nila ni tatang sebastian.
Malapit nga sila sa isa't isa. dahil dalawa lang sila umiinum dito sa loob ng bahay nila Tatang.
Napatingi ako sa pintuan dahil nag pasukan na ang apat na lalaki kanina na nag buhat kanina sa videoke at kasama duon si Rex.
Hindi ko alam kung salawahan ba na matatawag ito kung sasabihin ko na humahanga ako kay Rex.
Napatingin sa akin si Rex na ngumiti. nginitian ko din siya.
Nagulat ako sa pabiglang pag bagsak ni lambert sa baso na hawak niya sa lamesa.
"Ok ka lang ba iho'?
Tanong ni tatang sebastian sa kanya.
Hindi siya kumibo. tumingin siya sa akin hindi ko alam kung galit ba siya o pagkalumbay ang nakikita ko sa mga mata niya.
Lumapit sa amin si sitas.
"Tatay hindi paba tayo lalabas nakaayos na po ang lahat"
Tanong ni sitas sa tatay niya.
"Uubusin lang namin ni Lambert ang isang bote at lalabas na rin kami"
Napatingin naman sa akin si sitas.
"Stella hindi kaba naiinitan diyan sa suot mo?"
Pag-aalala na tanong niya sa akin,
"Ahh Oo nga e'
Sagot ko sa kanya.
huhubarin ko na sana ang jacket. pero pasimple na pinisil ni lambert ang hita ko na nakatago ng bahagya sa ilalim ng mesa.
Saglit ako napatingin sa kanya nasa mata niya ang pagbabanta,
"Nadumihan kasi ang damit ko kanina habang papunta kami dito ni lambert e"
Sagot ko na lang kay sitas,.
"Tito tulungan ko na kayo ubusin yan ng makalabas na tayong lahat duon"
Bigla na singit na sabinni rex naramdaman ko sa hita ko ang pag kuyom ng palad ni Lambert.
Habang inuubos nila ang lambanog. at habang nag-uusap sila pilit ko na binabaling sa iba ang paningin ko.
Dahil napapansin ko na napapa-tingin sa akin si Rex,/.
Naramdaman ko din na hinawakan ako ni lambert sa bewang at nilapit lalo sa kanya.
Nanatili ang kamay niya sa bewang ko hanggang sa maubos nila ang isa na bote na lambanog. Lumabas na din kami para duon na nila ituloy ang kasiyahan.
Pero ang kamay ko naman ang hinawakan ni Lambert at pinaupo sa dulo na upuan kung saan siya lang ang pwede ko makatabi.
Si Rex naman ay naupo sa harap ni lambert at katabi niya ang mga lalaki na kasama niya din kanina.
May mga dumating pa na ibang bisita si tatang. karamihan kaedad ni tatang sebastian,
"Stella dito kana sa mesa namin iwanan mo sila diyan"
Pag aaya sa akin ni sitas dahil puro nga lalaki sila dito, Yung mesa kasi nila sitas ay mga babae na mga pinsan din niya.
Tumingin ako kay lambert napatingin din siya sa akin dahil alam ko na narinig niya ang sinabi ni sitas.
"Sige na pumunta kana! pero dalhin mo ito! itakip mo sa legs mo!"
Hinubad niya ang jacket sabay abot sa akin na kinuha ko naman. baka kasi mag bago pa ang isip niya.
Pag kaupo ko sa bankuan sa puwesto nila sitas para ako nagin-hawaan.
Napansin ko na umiinom din sila at lambanog din.
"Stella uminom ka ha'
Nginitian ko siya at sabay abot niya ng sarili ko na baso.
Sa pag kakaupo ko tanaw ko ang mesa nila lambert dahil katapat lang ng mesa namin ang sa kanila.
Pasimple ko siya na tinignan napatingin din siya sa akin. Pero hindi ko mabasa ang reaksyon ng mukha niya.
Nahagip din ng mata ko na nakatingin din palansav akin si rex iniwas ko ng bigla ang tingin ko sa mesa nila.
Nag uumpisa na kami na uminom ng maramdaman ko na nag iinit na ang katawan ko.
Kaya lalo ako nainitan dahil sa suot ko na jacket.
Inabot sa akin ni sitas ang song book kumanta daw ako.
Tumanggi ako dahil hindi ako marunong kumanta.
Narinig ko sa kabilang mesa na nag kakabiruan sila tatang sebastian.
Pinakingan ko sila dahil narinig ko ang pangalan ni lambert.
"Hetong anak ko si lambert.sa hindi pagma-mayabang magaling kumanta ito"
Napatingin ako kay lambert muntik ko pa maibuga ang iinumin ko sana na lambanog sa baso na hawak ko.
Grabe ang tingin niya. bakit ganoon siya makatingin? kausap ko sa sarili ko,
Sumagot naman ang isang matanda na kasama nila sa mesa.
"E' may pagma-manahan naman kasi magaling kumanta ang mommy niya'"
Biglang sumabat si sitas dahil nakikinig din pala sa kanila,
"Si Kuya Rex din tatay magaling kumanta"
"Talaga ba iho'?
Tanong ni tatang sebastian kay rex na abala sa phone niya habang hawak ang baso sa kamay.
"Konti lang tiyo"
Biglang tinawag ni tatang sebastian si sitas na abala sa pagpili ng kanta sa songbook. ang isang pinsan naman niya ay abala naman sa pagkanta.
"Sitas iha' ibigay ninyo nga kay Rex ang mic at nang masubukan"
Bigla na nabitawan ni rex ang phone niya
sa mesa dahil sa sinabi ni tatang.
"Tito naman'"
Pakamot sa buhok na pagtutol niya.
"Ipapahiya mo pa ba ako iho'?
"Kung nandito lang si vince sigurado na kakantahin niya ang gusto kong kanta"
Narinig ko sa usapan nila sa kabilang mesa,.
Nakakaramdam na talaga ako ng pag iiba ng pakiramdam kaya lalo ako naiinitan.
Kaya wala ng sabi-sabi tinangal ko na ang jacket na suot ko.
Nang mahubad ko ito para ako naginhawaan,
Napatingin naman sa akin si Sitas.
"Hindi naman pala madumi ang suot mo ahh"
Dahil nakainom na si sitas naging iba na ang pagbibiro niya.
"Malaman pala yang dibdib mo"
Napatingin ako sa kanya nakangiti pa siya.
Medyo fitted kasi na sleeve less ang suot ko dahil lagi maluwag na t-shirt ang suot ko pag nag pupunta ng manggahan,
"ako kasi wala ohh?"
Sabay hawak sa dalawang dibdib niya',
Natawa ako sa ginawa niya. ganito pala talaga pag nakainom nawawala ang konting hiya.
Nawala na sa isip ko si lambert na nasa kabilang mesa lang. Dahil nag -eenjoy na ako sa kwentuhan namin nila sitas at ng mga pinsan niya.
Napatigil kami sa kwentuhan ng mag hiyawan ang kabilang mesa.
Napapayag din pala ni tatang na kumanta si Rex.
Nabingi din ako sa malakas na hiyaw ni sitas na nasa tabi ko lang.
"Ayyyan na maririnig ko na ulit ang boses ni kuya Rex!!!"
Dahil ang videoke ay malapit sa amin nakita ko na lumipat si Rex sa tabi ni Tatang sebastian.
Parehas na sila ni lambert na nakaharap sa akin.
Nakita ko na naman ang mata ni lambert na seryoso na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung kanina pa siya nakatingin sa akin ng ganoon.
Nag uumpisa ng kumanta si Rex
**IN YOUR EYES**
I think I finally know you
i can see beyond your smile
I think that can show you
that we have is still worthwhile
Bigla lumipat ang mata ko kay Rex na kumakanta na nakatingin din pala sa akin.
Habang sila sitas at mga pinsan niya ay kinikilig sa tuwa habang ipinag mamalaki na pinsan nila ito.
don't you know that loves
just like the thread
that keeps unraveling
but then , it ties us back
together in the end
Para akong dinuduyan sa klase ng tingin niya at sa ganda ng pagkanta niya.
in your eyes I can see my dreams reflection
in your eyes from the answer to my question
in your eyes can see the reason
why our loves alive
Hindi ko alam para ba na may humila sa akin na ilipat ang mata ko kay lambert.
Para ako nasasaktan sa klase ng tingin niya sa akin.
in your eyes......