"Nalaman niya kay Manang ang nangyayari dito sa Hacienda kaya nagmadali siyang umuwe" Sabi pa niya habang ang mata niya ay nasa daan dahil sa pagdadrive niya, "Nalaman din niya ang lahat kay Ashlem pinayuhan din siya ni Ashlem na huwag pumayag sa kagustuhan ni Rafael" Bigla niyang hininto ang sasakyan at tumingin sa akin nang tuwid, "Darling nakita ng Kapatid ko ang labis na paghihirap ko habang wala ka sa tabi ko pati ang trabaho sa hacienda napayaan ko na" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at kusa niyang hinaplos sa pisngi niya habang hinahalikan ito, "Lalo na nung malaman niya na buntis ka sa akin umiyak siya sa harapan ko at humingi nang kapatawaran" Tumulo ang luha ko sa mga naririnig ko, "Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero buo ang desisyon niya na tanggapin ang gus