Pagkatapos ng aming kasal hinila ako ni lambert sa karamihan ng mga tao. Kaya pala ang dalawang anak namin lalo na si Amira ay narinig ko na ibinilin niya kay mommy Ashly. "Darling saan tayo pupunta?" Pagtataka na tanong ko sa kanya. Nakita ko ang kabayo na lagi namin sinasakyan na tila Inaantay talaga kami. Saglit niyang hinimas ito sa ulo at binuhat na ako para mapaupo sa kabayo at mabilis na siyang sumampa at yumakap agad sa akin. "Darling dalawang taon ako nagtiis at nasabik sa'yo kaya kumapit kang mabuti dahil alam na niya ang gagawin niya" Hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi pero sa unang hampas niya ng tali sa kabayo ay mabilis na tumakbo ang kabayo palayo sa kung saan naganap ang aming kasal. Pero agad din naman yumapos ng mahigpit sa akin ang isang kamay niya habang ang