Hindi ko alam kung ilang oras na kami na nakatali ni Sophia ng muli na may pumasok sa loob ng bodega kung saan kami naroroon. Dalawang lalaki ang nakita namin na papalapit sa amin at may dala na silang tray na may nakalagay na pagkain. "Kumain muna kayo! buti na lang kahit baliw si boss pinadalahan pa din kayo ng pagkain. mukhang pahihirapan kayo mamaya a" Sabi sa amin ng Isang lalaki. Pero hindi nila kami tinatanggal sa pagkakatali namin. iyon daw ang bilin ni Anna sa kanila subuan na lang daw nila kami. Pero parehas kami ni Sophia na tumatanggi. Kaya hindi din nila kami napilit na kumain. ilang oras pa ang lumipas nang si Anna naman ang Pumasok sa loob ng bodega. kasunod niya ang tatlong lalaki na nakita ko kanina sa loob ng bahay na ito pagdating namin. Nag-lagay ng bankuan na kahoy