Nikki NANG BUKSAN NI Dad ang pinto ay namangha ako sa tumambad sa akin at naiyak ako ng isa isa kong hipuin lahat ng nakalagay sa kuwartong iyon. “Dad.” Tumulo ang luha ko. “Come here, give daddy a hug.” Ibinukas niya ang dalawang braso niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa bisig niya. Inalo niya ako katulad noong bata pa ako. Hinagod ang likod ko at tinapik tapik. “Stop crying. It’s not good for the baby.” “Thank you Dad for this. For everything. I’m so—” He cut me off. “Don’t say sorry. I am sure you have your reasons. When you’re ready, I will listen.” Iginala niya ang mata niya sa kuwarto. “I had people fixed this room while you were out at work for the last few months. I wanted to surprise you. Muntik muntikan mo na akong mabuko ng umuwi ka ng maaga. Anyway, I heard

