Inangat ko ang cellphone ko nang makita kong tumatawag si Jake. Agad kong binaba ang hawak kong kopita ng alak at agad na sinagot ito. "Good morning, Boss. Narito na po ako sa office niyo kanina pa. Inaayos ko na po iyong mga dokumento na need niyo mamaya kapag dumating si Mr. Haru." Bumuntong-hininga ako at tiningnan sa screen ng cellphone ko si Jake na abala sa pagtipa sa kanyang laptop. Hindi ko sinabi sa kanya na hindi ako papasok ngayon sa office. Ang alam niya ay on the way na ako to go to work. Heto nga at umiinom na ako rito sa bar kahit maaga pa lang. Wala lang, trip ko lang. Hindi naman ako papasok sa trabaho. I decided to cancel all my appointments today. Nakabihis na ako kanina ngunit napag-isip ko na huwag na muna akong pumasok ng opisina ngayon. I decided to stay at my h