Nakaabot naman kami sa birthday party ng inaanak ni Uncle Vulcan. Medyo marami pa rin ang tao nang dumating kami kahit halos mag-aalas-singko na noon ng hapon. Mabuti na lang at puro kamag-anak sa side lang lalaki at babae ang kumbitado kaya hindi ako nag-aalala na baka may mga kamag-anak kami na gumagala sa paligid. Mamaya maispatan nila kami ni Uncle Vulcan na sweet sa isa't isa ay magkaroon agad kami ng issue at kumalat ito sa aming buong angkan. "Malzia, right?" Ibinaba ko ang hawak kong baso ng orange juice nang marinig ko ang mabining boses ng isang babae. Agad na nalaglag ang aking mga panga sa pagkamangha sa kanyang kagandahan nang humarap ako sa kanya. "Y-Yes, Miss Farrah…" nauutal na sabi ko habang nakatitig pa rin sa kanyang maamo at magandang mukha. Walang make up ang asaw