Sa batuhan kami humantong ni Vulcan malapit dito sa dalampasigan. Sa tapat lang din ito ng resort ni Kuya Blue ngunit malayo na sa hotel na tinutuluyan namin. Walang bakod sa banda rito ngunit may nakalagay naman na ‘no trespassing’ kaya hindi rin magtatangka ang mga tao na lumampas sa boundary nito dahil pwede silang kasuhan. Dito sa medyo tagong parte kami pumwesto ni Vulcan paharap sa dagat dahil hindi talaga ako komportable sa mga sun lounger na nakapwesto sa ilalim ng mga puno ng niyog at umbrella tree na kung saan ay gusto niyang doon namin gawin ang pagluhod ko sa harapan niya. Hindi ako pumayag kahit na ilang beses niya akong pinilit at sinabi sa akin na safe naman at walang magtatangka na manilip sa amin dahil malalagot ito sa kaniya at kay Kuya Blue. Tingin ko naman ay mas safe