Isang linggo ng hindi nagigising si Malzia mula sa pagkakatulog. Nagsisi ako kung bakit hinayaan ko na magkita sila ni Mahlia. Mukhang hindi pa handa ang utak niya para bumalik sa normal. Ako lang itong masyadong atat kaya naman laking pagsisi ko nang makita kong nakahimlay na naman sa kama sa ospital si Malzia. Walang malay at hindi ko alam ang maitutulong ko para siya ay gumaling. "Normal lang iyan, Sir Doukas. Sinabi ko naman na pwedeng umabot ng isang linggo o higit pa kapag nawalan muli siya ng ulirat. Rest assured that she will woke up soon and remember everything that she forgot," pagbibigay ng assurance ng kaniyang nuerologist nang magkausap kami. "Until when doc? Wala namang kasiguraduhan iyang sinasabi mo. Parang bumalik lang ako sa umpisa. Wala siyang malay at ako ay nganga ha