Pwwwakkkkk!" Dumukwang ako sa sink bago ko pinakawalan ang sama ng aking pakiramdam na hindi ko maintindihan kung bakit. Halos manghina na ako dahil halos lahat ng kinain ko kagabi ay nasuka ko ng lahat. Ang weird lang dahil parang napapadalas ako sa pagduduwal. Ako man kasi ay tintanong ang aking sarili kung bakit ganito ang mga nararamdaman ko. Hindi ko alam ang sagot dahil natatakot naman akong magpatingin sa doktor. b Baka nga may sakit na ako na malala kaya panay ang duwal ko sa umaga o kaya ay kapag may naamoy akong di kaaya-aya. "What's happening to me?" I asked myself while looking at the mirror. Hindi naman ako halatang may sakit. Parang napaka-blooming ko ngang tingnan kahit wala pa akong hilamos at suklay. "In love kasi..." tudyo ng utak ko. Kaya kahit siguro may sakit ako