Ang limang oras na biyahe namin papuntang Batangas na nasa tantiya ko ay magiging apat na oras na lang yata. Kita ko na sa GPS ng sasakyan ko ang resort ni Blue na ilang kilometro na lang ang layo. Hindi dahil mabilis akong magpatakbo kaya kami mabilis na makakarating. Hindi rin kasi masyadong traffic kanina sa highway dahil siguro weekends naman tapos may color coding din. Tapos medyo makulimlim din ang panahon kaya siguro tamad gumala ang mga tao. Wala naman bagyo, sadyang makulimlim lang siguro. Tamang-tama naman ito sa katulad namin na malayo ang biyahe. Ang sarap kayang bumiyahe kapag ganitong hindi tirik ang araw tapos malamig pa ang hangin sa labas kaya tipid kami sa paggamit ng aircon. Sa katunayan, ang sarap ng tulog ni Malzia. Kanina pa niya ako tinulugan at mukhang nakarating