Nagsuot ako ng kumportableng damit pagkatapos kong maligo. Iyong bestidang pula na regalo sa akin ni Manang Cora ang napili ko. Bukod sa malambot ang tela, medyo tamang-tama rin sa klima ng Palawan dahil presko at hindi makati ang tela. Nilugay ko lang ang mahaba kong buhok dahil basa pa ito. Tinamad na akong i-blower dahil ayaw kong maghintay ng matagal si Vulcan sa akin. Gutom na raw siya at gusto niyang sabayan namin si Captain Erwin sa pagkain dahil wala itong kasama na kakain. Magpa-room service ng pagkain namin ang sinabi ko sa kanya kanina nang pumasok ako sa banyo para maligo. Tinatamad akong bumaba dahil nananakit ang paa kong nagsuot ng mataas na takong kanina. Sabi naman niya na huwag na at nagpahanda na siya ng dinner for three sa baba para may kasalo raw ang kanyang kaibiga