Kaagad na lumayo ako kay Uncle Vulcan at sumiksik sa headboard ng kama nang ibaba niya ako sa kama niya. Niyakap ko ang aking mga binti at humanap ng pwedeng maibabato sa kanya sakaling tangkain niyang lumapit sa akin at gawin ang banta niya. Hindi ko akalain na mapipikon siya sa pang-aasar ko sa kanya. Allergic yata siya sa salitang matanda at mahina dahil kita kong sobra siyang nainis nang sabihin ko ito sa kanya. Bakit? Hindi ba niya tanggap na matanda na siya? Nagsasabi lang ako ng totoo dahil hindi na siya bata sa edad niyang thirty-nine. Kahit na ba hindi halata sa itsura niya dahil kung titingnan parang ang bata pa ni Uncle at nasa late twenties lang. Ang gwapo naman kasi niya. Ang macho pa. Ang galing pa niyang pumorma na tila modelo kung mag-ayos at pumorma. May lahi siyang Turk