"Anyway, good luck." Lorraine smirks. May binabalak na naman ba ang babaeng ito? Iisipin ko pa lang, napapagod na ako. She should've stayed laying low, hindi ko naman siya kailangan sa buhay ko. Pagkatapos ay sumakay na ulit siya sa kotse at umalis na. I heaved a deep sigh. "Grabe 'yang half evil sister mo, huh," ani Mady. "Na-jinx yata natin? Napansin pa kasi natin," sabi pa niya. Napailing na lamang ako. "What do we expect? She's Lorraine," sabi ko. "So ano na gagawin mo?" tanong niya. Nagkibit-balikat ako. "What can I do? I'll just have to ready myself for whatever might come," sabi ko. Which is true since there's no way I could figure out what Lorraine's planning to do. At ayoko muna rin siyang isipin. "Tara na? Nagugutom na ako," sabi ko kay Mady. Naglakad na ulit kaming dala