Nagmamadali si Ever na umuwi sa mansyon nila nang matanggap niya ang mensahe ni Harper kanina. Evan has not been talking to him since that confirmation about Harper and Brent’s wedding, kaya hindi niya alam ang mga pinaggagagawa ng kapatid niya simula ng araw na iyon. Hindi niya rin naman talaga alam ang tungkol sa bagay na iyon, kaya nga matapos siya na sermonan ng kapatid niya ay agad din niya na kinompronta si Harper tungkol sa balita na kumakalat na iyon. And yes, she did admit that she was getting married to Brent again. Hindi niya alam kung bakit naiisip ni Harper ang mga plano na ito. Hindi niya alam kung bakit ipinagkakanulo ng babae ang sarili nito sa kapahamakan, gano’n handa naman sila, lalo na si Evan na tulungan siya at bawiin siya kay Brent. But as he had expected, Harper

