"Dammit! Ano na naman ang nangyari? Bakit umurong na naman ng bigla-bigla? Puta! Ano ba ang mga ginagawa ninyo? That merger is the only remaining opportunity that we have, tapos ngayon ay sinasabi mo sa akin na nawala na naman? Tang-ina na naman at naisahan na naman tayo ng mga Ruiz! Magtrabaho nga kayo!" Sunod-sunod ang pagsigaw ni Brent sa kan’yang telepono at hindi maiwasan ang mga mumunti na ngiti na sumisilay sa labi ni Harper habang patago na nakikinig sa usapan na iyon. Everything is going well, and in just a matter of days, the culmination of their plan will come. Ubos na ubos na ang mga yaman at pasensya ng mga Torres. Hindi lamang kasi na isa sa major investment ng pamilya ang naagaw nina Evan, kung hindi ang lahat ng business ng pamilya ni Brent ay unti-unti nila na pinapabagsa

