"Evan, let’s talk." Humahangos na pumasok si Tof sa opisina ng kan’yang kaibigan na si Evan. "Stop whatever you are doing because I’ve got fresh and juicy reports at hand." Sapat na ang mga salita na iyon buhat kay Tof upang agad na mag-angat ng kan’yang ulo si Evan buhat sa tambak ng mga trabaho na kan’yang inaasikaso. Kahit na gaano siya kaabala sa maraming mga ginagawa niya ay mas importante pa rin sa kan’ya ang mga balita na ihahatid ni Tofer sa kan’ya, lalo na at kung may kaugnayan ito kay Harper Mercader. "Talk." Sumandal pa siya sa kan’yang kinauupuan at agad na pinagsalikop ang mga kamay upang pakinggan ang mga impormasyon na ibibigay sa kan’ya. He has been waiting for relevant news for days, at umaasa siya na sa puntong ito ay may nakuha nang impormasyon si Tof na makakatulong n

