Bigla ang pagdilat ng mga mata ni Harper nang maalimpungatan siyang muli. Napatitig siya sa kisame at pilit niya na inaalala ang mga nangyari sa kan’ya sa nagdaang gabi. Sigurado siya na si Elise ang dahilan kung bakit para siyang bangag na bangag at nawalan ng lakas kagabi. Pero bakit iyon gagawin ni Elise? Nagkaayos na sila, hindi ba? Tinanggap na nito ang pagkatalo at pinatawad na niya ang dating kaibigan? Naging tanga na naman ba siya ulit para maniwala sa isang kasinungalingan? Nanigas si Harper sa pagpulupot ng mga braso sa kan’yang beywang. Bumilis ang t***k ng puso niya kasabay sa muli niya na pagpikit. At doon niya naalala ang mga maiinit na tagpo kagabi. Ibig sabihin ay hindi panaginip ang lahat ng iyon. Totoo na nakipagniig siya sa isang lalaki, pero ano ang ginagawa ng lalaki