"Saan tayo pupunta, Evan?" Hindi na maiwasan na maitanong ni Harper kay Evan habang sila ay nasa kotse. Pinasabihan lamang siya ni Evan kanina na maghanda para sa isang dinner at ngayon ay hindi niya alam kung sila lamang ba na dalawa o may kasama sila. Naninibago rin si Harper sa lalaki simula pa ng tagpo nila sa hotel. Pakiramdam niya ay may problema silang dalawa, ngunit hindi niya masabi kung ano iyon. And Harper hates feeling this way. Ganitong-ganito rin siya no’n mga panahon na napapansin niya ang paglayo ni Brent, but she decided to ignore those intuitions and see where they led her. It led to her and Brent’s divorce. Sigurado si Harper na parehas man nila na hindi pinag-usapan ni Evan ang dahilan kung bakit sila nagkasama ro’n sa hotel, pareho rin sila na nag-aalinlangan sa isa’