Nagmamadali na napasugod si Ever sa mansyon ng mga Ruiz nang tawagan siya ni Manang Esmeralda na nagwawala na naman ang kapatid niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari dahil ang usapan lamang nila kanina ay sasamahan nito si Harper sa restawran, tapos no’n ay hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari. Then he received that call at takot na takot ang matandang kasambahay nila, kaya naman wala siyang nagawa kung hindi ang mabilis na umuwi sa mansyon nila. Hindi na nga rin niya naitanong pa sa kasambahay kung nasaan si Harper sa mga oras na iyon. He tried calling Evan’s bodyguards earlier, but none of them were answering, at sigurado siya na abala ang mga iyon sa pag-aasikaso sa pagwawala ng nakatatanda niya na kapatid. Hindi na nga niya maayos na naiparada ang sasakyan niya nan