"Magkano ang kailangan mo? Ilang libo o milyon pa ba ang kailangan mo na pera? It has always been just about money, right, Harper? Pera-pera lang naman ang pinag-uusapan natin dito. You are a money-hungry b***h! Dahil kung hindi mo inakala na naghirap na kami dahil sa pagkamatay ng mga magulang ko baka sa akin ka nagpakasal at hindi kay Brent Torres. Mukha ka rin pera kagaya ng asawa mo at ng pamilya niya." Muli ay isang malakas na sampal ang natamo ni Evan buhat kay Harper. Napahimas pa siya sa pisngi na tinamaan dahil mas malakas ito kumpara sa kanina na sampal ng babae sa kan’ya. Napakuyom siya sa kan'yang kamao dahil sa pinipigilan niya na masaktan niya si Harper. Ang babae na manloloko lamang na ito ang pinayagan niya na makasakit sa kan’ya. And Evan doesn't even know why. Or he does