"Tang-ina! Ulitin mo nga ang sinabi mo, Harper!" bulyaw ni Evan sa kasintahan niya. Nagdidilim ang paningin niya sa galit na nararamdaman niya dahil sa narinig niya na sinabi nito. "Sabihin mo nga ulit ang sinabi mo!" He came here not to argue with her but to talk to Harper and apologize for what he did, pero iba ang nangyayari ngayon. Nang mahimasmasan kasi siya sa sama ng loob at inis niya kanina sa nobya niya ay nagdesisyon siya na sundin ang payo ng kapatid niya at kausapin si Harper dahil tama naman talaga si Ever, hindi pa malinaw ang lahat sa memorya ng nobya niya. Pero ang naabutan niya na pinag-uusapan ng dalawa ay ang lubhang nagpakulo ng dugo niya, lalo na at narinig niya kasi na sinabi ng nobya niya na si Brent Torres pa rin ang mahal nito. And in all honesty, nais na naman n

