"Ano ang balita sa mga pinapabantayan ko sa'yo?" Sabik na tanong ni Brent sa kan’yang tauhan. Simula kasi nang magkaharap sila ni Harper at tawagin siya nito na "baby" ay hindi na siya mapakali. Isa lamang ang ibig sabihin ng salita na iyon para sa kan’ya, at iyon ay ang kahandaan ni Harper na muli na ayusin ang dating relasyon at samahan nilang mag-asawa. Kaya naman ilan sa mga tauhan niya ang inutusan niya na alamin ang mga katotohanan. Sa totoo lamang ay hindi niya inakala na mangyayari ang senaryo na iyon na naganap sa pagitan nila. Nagkagulatan pa nga sila ni Evan nang sabihin iyon ni Harper nang magkita sila. Ang buong akala niya kasi ay ipagtatabuyan na naman siya nito, ngunit kaibahan sa akala niya ang nangyari lalo na at nakita niya sa babae ang kagustuhan nito na magpaliwanag s

