"Evan." Muli ay tawag ni Harper sa kan’ya. Bahagya siya na umatras upang makita ang mukha ng babae pero ang mga bisig niya ay nakapulupot pa rin sa beywang nito. "Saan ka nanggaling, Harper?" Pilit niya na itinatanong dahil gusto niya malaman kung nakipagkita na naman ba si Harper kay Brent. Hindi niya maiwasan ang selos na nararamdaman niya lalo na at patungkol sa dating asawa ni Harper. "Naglakad-lakad lamang ako sa labas. Nag-isip-isip ng mga gagawin ko. Hinihintay talaga kita na bumalik dahil gusto ko na makausap ka at maayos na magpaalam sa’yo." Muli na bumilis ang t***k ng puso ni Evan. Kung ano-ano na mga samu’t-sari na emosyon ang nararamdaman niya dahil kay Harper. At siya lamang ang tangi na babae na nakagawa nito sa kan'ya. "Magpaalam?" tanong pa niya. Itinaas-baba ni Har