"Why are you still not wearing our wedding ring, Harper? Does it mean that you are still not accepting my marriage proposal?" Dismayado na dismayado ang tono ng pananalita ni Brent kay Harper. Ayaw man niya na iparamdam ang inis at galit niya sa babae ay hindi na niya maiwasan pa na sitahin ang mga ikinikilos nito sa kan’ya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kahit na patuloy na sinasabi nito na naaala nito na mag-asawa sila ay tumatanggi pa rin si Harper na isuot ang singsing nila at magpakasal sila ulit. "I told you, Brent, I don’t want to rush everything, and that includes wearing the ring." "Wearing the ring is rushing you already?" Nakakunot ang noo ni Brent sa kan’yang muli na pagsasalita. "Hindi kita minamadali, pero kasal na tayo, Harper, at walang masama kung isusuot mo a

