Ayaw ko nang umiyak, pero nangingilid na ang luha ko nang sagutin ko siya at subukan na magpaliwanag. "Ginagawa ko naman ang lahat, Brent. I am trying my best to recall things, pero hirap na hirap ako na gawin iyon. Hindi madali ang pinagdadaanan ko lalo na at ang dami ng mga impormasyon na halo-halo na sa utak ko. I don't even know who to believe anymore. I don't know who to trust if both you and Elise are accusing each other of having a hand in my accident." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. I can feel his frustration and exasperation over everything that is happening. Alam ko iyon dahil iyon din ang nararamdaman ko. "Harper, if this is all about what Elise had said, don't believe her. She is lying to you. She has been lying to you all this time. Ako ang dapat na pi

