Salubong na salubong ang kilay ni Evan Ruiz habang nakatanaw sa dalawang tao sa may hardin. Hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya na tanawin, but he knows he can’t make a scene. Not right there in front of the members of the business circle. Mas tumitindi ang nararamdaman niya na galit para sa tarantadong si Brent Torres lalo na at nakita niya ang naging paghawak nito sa beywang ni Harper. Binibilang ni Evan sa kan’yang isipan kung ilang beses nang hinawakan ni Brent ang pag-aari niya, dahil sisiguraduhin niya na idadagdag niya ang mga paghawak na iyon ni Brent kay Harper sa mga sisingilin niya sa lalaki at sa pamilya nito na kinamumuhian niya. Pagdating pa lamang nila ni Harper kanina ay nakita na niya ang malalagkit na tingin na ipinupukol ni Brent sa fiancée niya. Oo, fiancée niya