Ilan araw na rin na hindi umuuwi si Harper sa bahay nila simula noon araw na sabihin nito na hindi pa siya handa sa mga nais niya na mangyari sa pagitan nila. Pagkatapos ng araw na iyon ay katakot-takot na problema na rin ang dumating sa buhay niya kaya naging abala siya, pero hindi niya nakakalimutan na suyuin ang asawa niya. He was texting her and calling her to no avail, but she refused to answer or message him back, kaya naman mas lalo nang gumuguho ang mundo ni Brent sa lahat ng mga pinagdadaanan niya na ito. Even with their mini-argument about making love, he was still expecting his wife to be by his side, especially when his family is dealing with all of these problems, pero kung kailan naman niya kailangan ang asawa niya ay roon naman na bigla na naglaho sa kan’yang tabi si Harper

