"Hindi mo maaari na gawin sa akin ito, Harper. Hindi ka puwede na umalis sa poder ko. Asawa kita kahit na ano pa ang sabihin mo!" "Says who? Nagawa ko na, Brent, at paulit-ulit ko pa iyon na gagawin kung kinakailangan. Hindi ko na muli na sisirain ang buhay ko sa'yo." "Harper, no, you can't leave me." Pagmamakaawa na ni Brent kay Harper. Gulong-gulo na siya sa kung ano ang totoo at hindi, pero ang nasa isipan na lamang niya sa ngayon ay ang kagustuhan niya na hindi maaari na mawala sa kan'ya si Harper. Ipinagpalit niya ang lahat para sa babae; isinugal na niya ang lahat at wala nang natira sa kan’ya, ngayon ba naman pati ang babae na mahal niya at ipinaglaban sa mga magulang niya ay mawawala rin? "Masakit, hindi ba? Mas higit pa riyan ang sakit na naramdaman ko nang pilitin mo ako noon

