"Ever, if you have time, please meet me. I am ready to explain everything to you now." Iyon ang mensahe na natanggap ni Ever buhat kay Harper ng umaga na iyon. Hindi niya inaasahan ang biglaan na pag-text ng babae sa kan’ya pero nagpasiya na rin siya na kausapin na lamang din si Harper sa punto na iyon. Admittedly, they have a lot to be grateful for about Harper. Kung hindi dahil sa mga ebidensya na nakalap nito sa asawa nito ay hindi mabilis na uusad ang kaso nila laban sa mga magulang ni Brent at maaari na patuloy pa na balutin ng galit at poot ang kan’yang kapatid, but then a part of him wants to blame all the actions that she took because they hurt Evan in the process as well. Kaya naman kahit siya ay gulong-gulo na rin sa tunay niya na dapat na maramdaman para kay Harper. But as Tof

